NEWS

'Di Kailangang Lumipad / Matt Ellazar || Tsubasa wa Iranai – AKB48 (Filipino Cover)

'Di Kailangang Lumipad / Matt Ellazar || Tsubasa wa Iranai - AKB48 (Filipino Cover)

Hi! Good day! Here’s my filipino cover of AKB48’s Tsubasa wa Iranai entitled “Di Kailangang Lumipad.” It doesn’t sound that good for now. Hoping for improvements for the next videos. Hope you’ll like it! Please support MNL48! Lyrics are below.

‘DI KAILANGANG LUMIPAD

Kung ako ay makalipad
Kalangita’y lalakbayin
May pagtataka at pag-aalinlangan
kung saan ako magpupunta

Ang hangin ay sasabayan
Mga ulap lalagpasan
kahit wala pa ring kasiguraduhan
kung san ang patutunguhan

Pero kahit di kayang liparin
Lalakarin na lang kung lakbayin
Hindi naman dapat ito ay madaliin
Kasiyahan ay naghihintay pa rin

Di kailangang lumipad
Sapat na kung may pangarap
Ang mga paa sa kinatatayuan
tatahakin ang landas

Kung matutuhang lumipad
Kalayaa’y makakamtan
Tutunguhin saan man ang gustuhin
Hiling ay matutupad na rin

Di man alam ang kapalaran
Walang dapat ipag-alala
Liliparing kay tayog ang kalangitan
Ako ay magpapatuloy

Pero bakit nga ba ganito
Maglakad ay ang mas pinili ko
Habang ako’y patuloy sa aking paghakbang
Kisayaha’y nalalapit na rin

Di kailangang lumipad
Pag-asa ay wag mawalan
Kung ako’y lumumbay sa kalagitnaan
Tiyak na tutuloy pa rin

Mga ibon sa himpapawid
Sa baba tayo’y napapansin
Pinagmamasdan kung gaano kainam
na maglakad kahit di lumipad

Di ko man maabot kalangitan
Ayos lang, nakapaglalakad naman
Di ito lingid sa aking kasiyahan
Basta gamitin sa tamang paraan

Di kailangang lumipad
Naniniwala sa kakayahan
Patungo kung saan ang paroroonan
Ang pangarap ay tutuparin
Ang pangarap ay tutuparin

Link for the instrumental:

Exit mobile version